Nung Bata Pa ‘ko….

Marami akong naaalalang mga ayaw ko nung bata ako. Hanggang ngayon nga pag naiisip ko sila parang bumabalik sakin na parang masamang panaginip hehehehe….

Nung school days pa, mula Grade Three ako hanggang makatapos ako ng elementary…pag Linggo ayaw na ayaw kong nakakakita o nakakarinig ng laro ng basketball. Yung PBA sa channel 4 pa yata yon. Kahit marinig ko lang sa mga kapitbahay namin.

Bakit? Kasi yon ang hudyat na may pasok na naman kinabukasan. Shempre tapos na naman ang weekend at back to my terror teachers at  mga klasmeyts na pasaway.

Ayaw ko rin sumasakay kami ng traysikel. Panu ba naman dahil nga sa ako ang bunso obligado akong maupo sa maliit na space katabi ng traysikel drayber. Lalo na pag umuulan, lahat ng anggi ramdam na ramdam ko at pati na yung lubak at humps diba?

Bakit? Parang may choice ako, kasi alangan namang nanay ko o kaya mga ate ko ang paupuin ko dun diba?

Ayoko rin yung sumasakay ng jeep pag umuulan lalo na pag nabasa na yung loob ng sapatos ko.Yung school kasi namin ng kuya ko, malapit lang sa bahay. Mas gusto ko pa maglakad pauwi tutal naman basa na sapatos ko eh, anu pa magagawa ko?

Bakit? Kasi yung kuya ko, gusto niya maupo sa unahan katabi ng drayber. Eh kumusta naman buti sana kung siya ang katabi diba? Ako yung nasa gitna nila ang init pa naman dun. Naiilang ako dahil basa yung paa ko tapos naiinitan ng ganun hehehehe…(selan-selanan ba?)

Minsan nagluto ang nanay ko ng adobong pusit, (dati hindi ko alam na yon pala ang tawag nila sa ulam na yon.) pinipilit niya ako masarap daw pero hindi niya talaga ako napilit hehehe..(Brat ba?)

Bakit? Dahil tambay ako sa labas ng bahay namin. Minsan pinanood ko yung nag-aayos ng drainage namin. Yung kulay nun, yon ang kulay ng sabaw ng adobong pusit ng nanay ko. Kaya ang sagot ko sa nanay ko nun, “Ayoko nyan Ma, putik yan eh.” Hehehe…

Diba dati pag hapon, pinatutulog tayo para may libreng meryenda paggising? Hindi ko talaga kinalakihan yung pagtulog na ‘yon Kasi mababawasan ang oras sa paglalaro. Pero dahil may kapitbahay kaming malaking lalaki na naninindak, si Mang Mando tatay ni Mandy hehehe…wala akong choice kundi magkulong sa bahay pag hapon.

Bakit? Na-trauma yata ako dun Kay Mang Mando hehehe…

Nung kinder ako, may terror na assistant yung titser namin, si Lola Poleng. Napaka-strikto, ilang beses ko na nakita ang mga makukulit kong klasmeyt na pina-squat sa likuran. Lagi pa yung may hawak na patpat panakot sa mga magugulo. (Eh, mga kinder pa nga kami, malamang makukulit talaga.)

Bakit? Dumating ako sa point na ayoko na pumasok dahil hanggang panaginip ko nandun si Aling Poleng at ang kanyang mahiwagang patpat.

Kaya nga minsan pag naiisip ko ito. Natatawa ako. Matatakutin pala ako hehehe.. Marami mga bagay na nakakaapekto sa atin hanggang paglaki. Yung iba dito, dala-dala pa rin natin. Gaya ng hindi pa rin ako kumakain ng Adobong Pusit hanggang ngayon. Yung basketball, medyo-medyo na lang kasi naka-graduate na ko eh. Sa traysikel? Umaapila na ko hehehe, hindi na ko kasya dun eh. Pero si Aling Poleng at Mang Mando, mananatili sila sa alala ko hehehehe.

7 Tugon tungo sa “Nung Bata Pa ‘ko….”

  1. japboi ay nagsabing:

    lolz! c aling poleng! hehehe dun din ako nag kinder.. ung patpat nia memorable un kse pag palo nya sa pinto ung alikabok nakain nya hehehe.. eh bakit nde mo sinama d2 ung kumot mo magmula bata na pag nwala un sau.. disaster na!? heheheh miss u! c u later!

  2. Aling Baby ay nagsabing:

    nukaba mine……

    secret ko nga un eh…gagu ka talaga! :D

  3. Aling Baby ay nagsabing:

    buti na lang luv kita hehehehe…:D

  4. mayn ay nagsabing:

    langya ka aling baby

    kya pla pag may adobong pusit kmi..

    tntwag mong “putik”. (pwede manahimik, oo nga pwede.)

    Pwede b NR k n lang next time! hehe

    Cheers!

  5. watusiboy ay nagsabing:

    ako rin, dun ang place ko sa tricycle. pero ok lang sa akin dahil hiyang ako sa amoy ng usok ng tricycle, hindi, ang totoo, nababanguhan ako. weird ba? sa jeep at bus kasi, pag naamoy ko yung usok, nasusuka ako.
    at pag pinapatulog ako pag hapon, gumagapang ako palabas ng kwarto. haha. natatawa ako pag naaalala ko :)

    ang weird ha, ako hindi makatagal dun kasi ang ingay ng motor hehe… :D

  6. samsung ay nagsabing:

    kung kaw aling baby takot ke mang mando aq takot ke mang jhun kz naalala ko nung bata pa ko lage aq cnsbihan na pg d aq n2log ng hapon tu2liin nya aq.kaya pg hapon d aq mklabas kz nkatambay c mang jhun sa labas…grabe ka gang now d ka pa rin nkain ng pusit….

  7. SANDAANG PASASALAMAT! « A L I N G B A B Y ay nagsabing:

    [...] mo. Ang paglalahad ng iilan sa mga kaadikan ko. Konting patawa side by side. Pati tuloy yung kamusmusan ko nawento ko na rin. Pati kung san kami pinaglihi ni mama. Ang wento ng puso ko. Ilang [...]

Mag-iwan ng Tugon