Haay, Thursday na naman….
Ang paboritong araw ng mga Tambay ko,(shempre pati na rin ako..)
Parang nakikinita ko na ang mga mangyayari ngayong araw na ‘to.
Anu kaya ang kaibahan ng araw na ‘to sa mga nakaraang Huwebes na dumaan? Magiging makabuluhan ba ang nag-iisang araw na off nina Lei, Katch at Ron? Meron kayang ibang pwedeng mangyari bukod sa pagdagdag ng bagong pictures na ipo-post ng Tropang Riles sa kani-kanilang mga Friendster page? May gagawa kaya ng kakaibang bagay bukod sa pagyoyosi, paglaklak at pagtambay?
Anu sa tingin nyo?
Last week kasi, pumunta si Ivan kasama ng mga Top 5 Umay Songs of the week at ng mahiwagang Tic Tac. [Pre, nahihiwagaan na talaga ako sa TicTac na yan eh. Baka may kasamang special ingredient yan ah, share mo sakin.] Ngayong weekend kaya darating siya? Gusto nyo ba pumusta? Ako kasi, ayoko na, parang nililinlang ko lang ang sarili ko pag pumusta pa ko.
Kung last week, super hyper ni Cheng nung dumating kami from City Centre…anu nga kaya ang plans niya for today? Pansin ko kasi lately parang may binibilang siya eh. [Pre, yung buhok mo ba? Ang hirap n'yan bilangin.] Tapos parang may gusto din siya hilahin. [Pre, gusto mo ba ng tulong? Mahirap hilahin yan mag-isa eh.] Lalabas kaya siya sa lungga niya ngayong araw na ‘to o paninindigan niya na siya ang bagong autistic ng tropa?
Most consistent tambay of the month ‘to si Leo. ‘ika nga nila dito, “same-same” lang. Kung ano meron last week, ganun pa din ngayon nagbago lang ng damit hehehe.
Ay, uu nga pala…wag na kayo magluluto mamaya kase may pa-dinner siya sa mga tambay. Abangers lang kayo.
Hmm..kung last week, itong si Mayn eh napagod sa pag-shopping galore kasama ng Bodyguard (Leo) at ng Fashion Consultant cum Promo Girl (Aling Baby), tapos natulog, tumagay konti at nagrelyebo sa pagsagot sa mga chatmates namin. Eh ngayong week kaya? Ganun pa rin ba or may bagong surprise sa’tin si Mayn?
Kung last week wala si Hannah, malamang ngayong weekend wala pa rin siya. Pero para lang sa kaalaman ng iba, si Hannah po ay Certified True Blue na!! Nabinyagan na po siya just last week. Kaya pre, congrats sa’yo! [O, ayan tropang riles...may ise-celebrate na naman kayo.]
Si Katch naman last week, late na nakauwi. [Kase naman panggabi siya kaya.] Tapos wala siyang off. Malamang naman ngayong weekend ay makakasama ka na sa Tropang Riles sa pagtambay ha, Papa Katch? Namiss namin ang kakulitan mo, maagang inantok DJ I at napuyat sa pag-antay sa’yo sina Albert, Shia at Victoria.
Si Kabuteng Lolo, last week he’s in pain…nagkasakit siya. [Kaya mag-isip-isip na kayo Tropang Riles, mag-softdrinks na lang kayo kasi.] Kaya wala siya, sana naman mapadaan ulit siya para makonsensya sa pag-volt in ang mga ito.
Eto si Pao, lagi kasi panggabi kaya laging missed sa tindahan. Dapat eto talaga ang pinupwesto sa mga umpukan kase hataw ‘to bumangka eh. Nagka-work lang parang nagbalik-loob na sa dako paroon. Nakakamiss yung ingay. Di bale, para sa mga fans ni Pao…abangan nyo siya mamaya, may villa tour siya sa Villa 24. Don’t forget to bring yung latest poster niya, kase may autograph sigining din mamaya.
Si Aling Baby kaya? Siguro magke-kendi lang yon mamaya. Pantanggal umay at magyoyosi habang nag-aabang kay Papa Katch at mangungulit ng mga broken hearted.
Ay, teka…. Si Jei kaya? Matagal-tagal na kasi siya hindi naliligaw sa Tindahan ni Aling Baby. Kelan kaya niya gagawin yung surprise niya? MAMAYA NA BA YON???
Anu nga kaya ang pwede pang mangyari bukod sa mga laging nangyayari? Oh well, kahit na siguro paulit-ulit…nakaka-enjoy naman talaga kase. Kaya kung gusto nyo sumali, daan lang kayo dito sa Mantakath Hamdan, pagdating nyo dun…hanapin nyo na lang kung san kami. Kilala kami dun. Marami kasing naiingayan samin eh hehehehe…

Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












