Almost two years na ko sa kumpanyang pinapasukan ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan dito sa amo ko kung bakit malimit na pinag-iinitan ang beauty ko.
Itago natin siya sa alyas na “bwiset na kalbo“.
Itong si Bwiset na Kalbo na isang Iranian at may Canadian passport ang nag-hire sa akin. Ambait niya talaga nung bago pa ‘ko. Parang heaven sent ang dating. Sabi ko pa nga sa sarili ko, “Ang swerte mo talaga, Ron. Ten days ka pa lang dito, may work ka na.” Shempre naman ganado talaga ako sa pagtrabaho kahit na hindi ko maintindihan minsan yung mga terms na ginagamit nila tulad ng A/C, na sa atin AirCon ang tawag. Yung Scale, nagulat ako akala ko may bigasan sa opisina namin yun pala Ruler ang hinihingi ‘langya talaga. Yung ‘last night’ sa kanila, yesterday pa rin ang tawag. Eh shempre, kailangan lagi kang alert kahit na hindi mo maintindihan kung anu-ano ang mga pinagsasabi nila…sumagot ka lang ng ‘ok’, safe ka na.
Ganito pa nung una eh, no pressures.
Pero habang tumatagal, itong si Bwiset na Kalbo na ‘to….napaka-demanding at feeling niya pag-aari niya ang buhay mo. Kung makapag-utos, para siyang nasa kaharian niya, [botchog naman..] at bawal magkamali ah, pero pag mali niya…akala mo kung sinong mabait. Ang galing niya kasi, feeling niya.
Nung una, takot ko pa sa kanya. Alam mo naman tayong mga Pinoy diba? Idol na idol si Rizal at Andres Bonifacio. Passive lang, magko-contemplate lang ng konti tapos laban ulit.
Pero napag-isip-isip ko nga na ‘what ‘d hell… I don’t deserve this. This has gotta stop.’ (Parang si Judy Ann nung sinasapak niya na rin si Gladys Reyes.) Hindi ko siya sinapak, yung ganung feeling lang. Kasi naman diba, “Nobody can make you feel inferior without your permission.” Naturalmente, lahat naman tayo nagigising sa ating matagal at mahimbing na pagtulog.
Kaya etong mokong na kalbo na ‘to, kung gusto niyang i-respeto ko siya…matuto siyang rumespeto din diba? Kaya nga kahit na ginagamit niya ang posisyon niya sa kumpanya namin just to get back at me sa mga pandededmang ginagawa ko sa kanya….keber ko! Kailangan nang magwakas ang kasamaan sa mundo.
Pero mabait pa rin naman ako, pinagdarasal ko pa rin na sana magbalik loob na siya sa kabutihan nang sa gayon, lahat ng tao dito maging mabait na sa kanya. Kasi mas maganda yung nirerespeto ka ng tao kasi deserving ka hindi yung dahil natatakot lang sila sa’yo pero pag nakatalikod ka, kung anu-ano naman ang sinasabi against you. [tulad nito...hehehe, hindi ko na kasi matiis eh.]
Kaya the next time you see this guy…
Don’t be deceived…panlabas na anyo lang ‘yan.
Yung loob nyan, parang monster hehehe..

Ipinaskil ni Aling Baby
____________________________
"Isang taon na ang Aling Baby Blog! Salamat po sa lahat ng pabalik-balik, nakitira, nakikidalaw, nakikibasa, nakikipagkaibigan. Sa mga comments (touched ako talaga..) Sa walang sawa n'yong pagsilip kahit na bihira na lang makapag-update si Aling Baby.
Maraming Salamat po!"
[Aling Baby Blog*30 April 2008]












