Inuman

Mayo 12, 2008

 

 

Minsan napapaisip talaga ako kung bakit ako napasali dito sa gangster ng tindahan na ‘to, (take note ah, naging tindera pa’ko) samantalang napakatahimik kong tao. Autistic nga daw ako sabi ni Katch eh.

Ayoko nga ng mashado magugulo at maiingay lalo na pag wala ako sa mood. At eto pa, lahat ng tambay dito, tropang riles…lagi may inuman kahit walang okasyon. Basta pag may nagyaya, gagawa ng pausong okasyon tapos o-order na agad kay Aling Ayds…magugulat ka na lang at magugulo pero wala pang 10 minutes, nakahain na ang inumin nila. Parang nag-let’s volt in.

 

Tsk tsk tsk tsk…

Anu nga ba ang ginagawa ng isang matinong katulad ko sa Tindahan ni Aling Baby bukod sa pagyoyosi? [hehehehe...] Panggagagu, pang-aasar at pangungulit sa mga ‘to?

 

Nakakapagod din pala yung uma-attend ng inuman pero hindi ka naman umiinom noh? Yung tipong panonoorin mo silang lahat habang unti-unti silang nagiging wild na para kang nasa Manila Zoo. :D  Meron pa dyan na sa sobrang kalasingan, makakapaso ng yosi, tapos yung iba magugulat ka at may Star Drama Special sa isang tabi. Meron naman pagala-gala na parang nakukulangan pa sa nainom na isang case na beer at kay mang jose. Ang malupit pa nito pag may naging pasaway at mas gustong matulog sa sahig kesa sa kama niya. San ka pa?

Kaya nga minsan napapaisip talaga ako kung tama ba na hindi ako umiinom habang itong mga gangster na nandito eh kinukulit ako na parang gusto pa ko bayaran basta lang makiinom ako sa kanila, tingnan mo nga naman at baka yumaman pa ko nito.:D

 

Pero …

 

Malay n’yo isang araw, magulat na lang kayo lahat…

 

Na habang masaya kayong nag-iinuman at nagkakantahan dyan ng Thursday Night…

 

 

Eh…

 

 

May biglang dumating na CID hehehe…

 

 

Patay tau jan.

 

 

Wag naman sana.

 

 

Hehehehe…:D :D :D

 


Gising Pre

Mayo 12, 2008

 

Gising, Pre.

 

Tumatanda ka na, pre.

 

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta.Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na ang role ng crush mong matinee idol noon.

 

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng “PENDONG!”. Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napa-praning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginseng.

 

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

 

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

 

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon eh ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.

 

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil sa gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

 

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

 

Alipin ka ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

 

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapag-swimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa’yo ang gin pomelo. Nagyon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

 

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

 

Saan ka ba pupunta?

 

Pre, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machine sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uuli-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa’yo. Balikan mo sila.

 

…………ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.


Tunay Na Kaibigan

Mayo 12, 2008

 

Minsan,

pag pakiramdam ko na parang ang

buong mundo’y nakapatong sa aking balikat.

 

 

Madilim ang paligid.

 

 

Nangingilid ang luha sa aking mga mata

at naninikip ang dibdib sa galit.

 

 

Naglalaban ang hinanakit at poot,

 

Masasabi mong “Ayoko naaahh!”

 

Kaya nga,

sa tuwing ako’y nakakaramdam ng lumbay.

 

Itong larawan na ito

ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at pag-asa,

 

na ipagpatuloy ang buhay na masaya at kaaya-aya.

 

 

Salamat Lei, isa kang tunay na kaibigan.