Hannah’s Destiny

Mayo 4, 2008

 

Natutuwa naman ako dito kay Hannah.  Rookie pa talaga pagdating sa love. Hindi pa kami ganun katagal magkakilala pero in that short span of time, nakikita ko na kung paano siya ma-in love. Madali siyang ma-fall, naaaliw ako kapag nakikita ko ang contentment sa mukha niya kapag naa-acknowledge ng crush niya yung mga ginagawa niya for them. At kapag nagiging sweet ang mga ‘to sa kanya, ganun na lang kaganda yung smile niya. Para  siyang nagiging super hero. 1000 Pogi Points!

Ilang months pa lang nung umalis si PJ, alam nyo bang umiiyak ‘to lagi sa lungkot? Tapos lagi niyang tinitingnan yung mga pictures nila (nagre-reminisce…). Pero buti na lang talaga to the rescue ang doctor love niya >> si PAO. Ina-uplift siya lagi. Sabi nga nila, binibigyan ng blessing ang nga taong mababait. Gaya ng mga friends niya >>kami! Minsan nga lang madalas na puro kalokohan ang mga binibugay naming advices sa kanya kaya tuloy nadadala hehehe….

Kaya nga siguro blessing in disguise na rin nung nagkaroon kami ng communication ni…itago na lang natin siya sa alyas na “Dream Girl”. Buti na lang talaga, si Hannah ang tipo niyang ka-partner.

May nireto kami sa kanya kaso lang nung nakita niya, initial reaction niya…”Nyek.”

Pero nung nakita niya si Hannah….ang galing parang magic, (kasi magic talaga siya, yun yon eh.) Kasi pinatawag pa niya ulit. Lahat kami nagulat. Akala namin nagpapatawa lang si Dream Girl…..pero totoo pala. Totoo pala dahil hindi natapos ang gabi na hindi sila nakapag-exchange numbers.

Ngayon, naniniwala na ba kayo na DESTINY talaga  sila???

Sige, kung ayaw nyo pa rin maniwala?

Alam nyo ba na everyday sila mag-chat? Hindi na nga kumakain si  dahil nagtetext agad kay Jun2 pagdating na pagdating.

At, wala yan nakikita pag dumadating, kahit na magulo ang tindahan, dedma lang siyang papasok sa bahay at matutulog. Bakit ka’mo? Kasi naka-schedule ang chat nila ni Dream Girl at ayaw na niya pumalya this time.

At walang ibang sinasabi kundi….si dream girl, si dream girl, si dream girl, si dream girl….ganun lang, nahahawa na kay Cheng ng kaka-Anghel niya. Pero don’t get me wrong, pogi points naman yon.

Kaya nga natutuwa kami para sa bulinggit ng tropa. Minsan lang yan magganyan. We’re hoping na sana for keeps na yan. Sana nga si Dream Girl na yung hinihintay mo. Sana kayo na.

Hihintayin na lang nmin ung mga pictures nyo pag  balik mo ng Dubai!


BILIBIDBOARD LOVE ADIK CHART

Mayo 4, 2008

Haaayy, love life…

Ang Lovelife dito sa tindahan ang madalas mapag-usapan. Minsan pinagtatalunan, pinagpi-pyestahan, pinagsisimulan ng bright ideas, ginagawang motivation, dinidibdib ng iba at yung iba naman na walang choice kundi makinig eh…inuulam na lang sa kanin. Tsk-tsk-tsk….

Pag dito ka lagi nakatambay at na-timing-an mo na lovelife mode ang mga tao sa paligid mo, you have two options to choose…

  • 1. Mag-stay ka sa kinauupuan mo at i-absorb lahat ng marinig mo, depende na lang sa mood mo kung magko-comment ka o makikinig lang habang kumakain at nagsa-soundtrip. Buti na lang magaganda ang nasa ipod playlist nila.
  • 2. Pagkatapos mo kumain…yosi ka konti tapos sabihin mo masakit yung ulo mo, likod mo, nahihilo ka, meron ka, tinatamad ka >>> para makatakas ka lang sa usapan hehehehe….

Pero kung wala naman dito sa choices na ‘to ang gusto mo gawin, pinakamaganda nyan, mag-change topic ka. O kaya, maglabas ka ng alak…tingnan mo, biglang-bigla maiiba na ang usapan.

Kaya nga naisip kong gumawa na lang ng BILIBIDBOARD LOVE ADIK CHART. Para malaman natin kung sino ang mga topping the charts every week. Diba okay ‘to para pag nakita nilang nasa Number One (one-one-one-one). Baka naman makatulong kahit papa’no sa ever growing fans club ni Joe D’ Mango.

 

BILIBIDBOARD LOVE ADIK CHART

 

This Week’s Top 5

  • 1. PAO – ▼ currently undergoing heart transplant dahil sa unexpected stir of events. We’ll see more of her mejo masayang-malungkot face malamang. Bagong aagaw ng tagay at mamimilit uminom kahit na wala ka sa mood uminom.Good luck sa inyong lahat, sana makayanan nyo ang mga pangungulit niya.

 

  • 2. IVAN - ▼magulo ‘to. Please make up your mind. Uuwi o hinde?? Dami ko na panalo sa pusta eh. Malamang nito kung libo-libo na ang pustahan, milyonaryo na ko hahahahaha!!! Kaya pre, mag-umpisa ka na maglipat ng gamit mo sa Dubai. Inuna mo na yung dining table at chairs. Hindi ko alam na may business ka pala tulad kay Meredith. (Estrada’s Toys & Balloons)

 

  • 3. HANNAH – ▲ eto naman ok na ok ang love life. Sabi nga nia, “Baby, you’re my destiny!” Ambilis kasi 4 days pa lang yata ang dumaan nung na-meet niya si …? At eto pa, magmi-meet na sila! Sana pagbalik mo ng Dubai, kasama mo na si Kricel.

 

  • 4. CHENG▲ hyper siya lately and it seems na nagkakaroon na siya ulit ng glow, ikaw ba naman bagyuhin mag-isa diba kahit san ka magpunta. Yung dala mo pang payong, butas hehehe…but at least diba, umaambon na lang. Magsimula ka na magkayod marino, pamilyado ka na.

 

  • 5. LEO – ≠ eto naman parang mejo matagal na nawala sa chart pero nagpaparamdam ngayon. Sana naman magbago ka na ng theme song Jun. I-try mo na makinig ng ibang sounds para hindi ko na naririnig si King.

 

  • Last week’s # 1 - MAYN… hehehe, lie low muna siya ngayon. Sa inyo na muna ang limelight. Pero tuloy pa rin ang mga parties natin dyan. Makikiparty na lang at magluluto ‘to para sa mga event nyo.

Congrats sa ating Top 5, sana next week wala na kayo sa chart na yan at mawala na rin ang chart na ito. Pero as long as you linger onto the same thing at hindi pa rin tumitigil ang votes at callers natin, malamang we’ll see more of you for the weeks to come. Kaya, the best of luck.


Ang Tindahan

Mayo 4, 2008

Siguro curious na kayo kung ganu talaga ka-ganda yung tindahan ni Aling Baby noh?

It was 2nd week of May 2007, nung lumipat kami sa aming Pinoy Villa. Kung makikita nio lang dati yung place namin…baka maawa kayo. Panu ba naman, isolated kasi at

(Mayn, Cheng, Leo, Katch & Tita Sha)

Kami lang ang nagkakakitaan. Kaya nga naghanap talaga kami ng bahay sa siyudad, yung maraming tao. Yung may view naman ng konti at maingay parang Pinas lang para mabago naman ang environment.

Eto ang Tindahan ni Aling Baby during our 3rd month:

 

 

 

(L-R: Sor, Leo, Nap, Cheng, Rose & Katch) 

O, diba? White na white. Birthday pa ni Jun-jun yan ah. Masaya nga kahit na sinasabi niyang 2nd at 3rd degree friendster niya ang attendees ng party niya. (panu, friend ng friend ng 1st degree friends niya ang mga dumating ehhehehe…) At least, masaya naman talaga diba?

 

Going back to our Tindahan evolution. So, after 4 months of hardwork, sacrifices, dieting, waiting….

(Christmas Eve ‘07, Leo & Jei) 

 

Nakapagdagdag na rin kami sa wakas ng mga appliances. Balak pa nga namin magtinda ng yelo dito parang sa Pinas, ICE FOR SALE. Nagtatalo pa kami kung magkano namin ibebenta. At dahil nga kami rin ang makakaubos ng yelo…we decided to quit it, wala kaming kikitain dun.

Eto na ang latest look ng Tindahan namin.

(Friday tambay ‘to)

After five months, may Internet Café na! Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati , kwentuhan lang. Inom-kain.

Ngayon, kwentuhan…handaan…kapihan…kanya-kanyang chat lang. Pero may kwentuhan pa rin. Gaguhan (mawawala ba naman ‘to?), kulitan, dramahan, masaya pa rin katulad ng dati. Kahit marami ng pwdeng bilhin at idagdag na gamit…Solid pa rin ‘to. Belat ang hindi maniwala..hehehe….


Ang mga Tambay sa Tindahan ni Aling Baby

Mayo 4, 2008

Ito ang mga paboritong kostumer ni Aling Baby. Tatambay pagkagaling sa trabaho. Manggagago. Mag-aasaran. Mag-iinuman. Magsa-soundtrip. Magtatawa. Mangangarap.

Ganito lang lagi araw-araw.

Para lang maliwanagan kayo kung sino-sino sila, basahin nyo ‘to.

Noel – (nû wël) aka The Handy Man, wala kami ngayon sa Tindahan ni Aling Baby kung hindi dahil sa kanya. Ito ang kuya na kahit pagod, gagawin ang lahat ng favor mo. All around ‘to, carpenter-electrician-cook-kargador-barker-mayordomo-hardinero you name it, he can do it for you. Minsan spiritual adviser din ‘to lalo na pag sobrang down ka na sa mga problema. Wag mo nga lang mashadong paiinumin dahil nagiging dugong-bughaw ito at bigla na lang magsa-sign out.

Mayn – (må yn) aka Drinking Bud ng bayan. Hinahabol ng love problem. Pero kahit mabilis tumakbo, naaabutan pa rin. She’s a dear friend to everybody, kahit anu favor gagawin niya sa abot ng makakaya. Minsan pag naka-Ysabella mode, magpapa-free food sa mga kostumer na tinatamad magluto. Ang lakas mag-aya uminom nito kahit weekday na parang huling rasyon na ng alak sa dubai. Minsan lang talaga life gets tough on her and though it’s getting the best of her, never surrender girl. Magugulat ka na lang at bigla yang lalapit at magsasabing “Pre, pa-hug naman…” leaves you wondering why pero she’ll just smile pagkatapos, ayos na siya.

Leo -(Lê yô) aka Jun-jun, The Dependable Guy. Magugulatin. Laging parang first time sa pandinig niya ang lahat ng sabihin mo kahit na one hour ago nyo lang napag-usapan. Movie buff-Couch potato can stand the whole day just watching some random movies. Lahat na yata ng actor/actress, movie title, story line eh kabisado na niya. Masaya kausap, good listener kahit ano ikwento mo ma-absorb niya whether about love, life or anything lang. Nakakabilib din kasi never siya napipikon sa lahat ng pang-aasar sa kanya. Parang lambing lang yata yon ng tropa sa kanya. Na-in love na yata ‘to eh, depressing kasi he can’t go beyond the “friend zone- thing” pero ayun in love pa rin. Nakakailang lang minsan pag biglang tumahimik….nakakatakot, parang kakain ng tao hehehehe… Pero da best talaga ‘to. The Best Bud around, konti na lang natitirang ganito.

Pao – (pá w) aka Ex-Boyoyong Clown. Literally Clown ng barkada. Madaling makaisip ng nakakatawa sa kahit na nakakaiyak na sitwasyon. Gustung-gusto niyang nakikita na masaya ang lahat at halos umiiyak na sa kakatawa. Malakas mang-asar. Laging target niya >> si Jun-jun. Tagapagbantay ng kanin ni Jun-jun at ang tumatayong jowa ni Hannah habang wala pa tong legal na jowa. Laging stress sa lahat ng bagay, ang wild ng imagination niya kaya lagi siyang stress sa buhay niya. SP01 Pao Ador, sakop niya ang Emirates Catering. Tagakapkap ng mga empleyado and she’s enjoying every bit of her job. Kahit mga Briton napapatawa niya. Kakaiba, stand-up comedian talaga.

Cheng – (tsê ng) aka Party Girl cum Drama Princess. Ang starter ng party soundtrip at tagahain ng alak at pulutan. Madali lang patawanin ‘to as in at pag natawa na…tawa kung tawa parang wala ng bukas. Pero minsan soloflight lang, tamang galit sa cp habang nagte-text. Adik sa pag-ibig, iko-quote ko lang siya…”Pre, ngayon lang ako nakaramdam ng totoong love..eto na yon.” Ang taong hinamak at hahamakin ang lahat masunod lamang ang tawang ng pag-ibig. Ang greatest dream niya as of this moment, TO BE WITH THE ONE SHE TRULY LOVES. Go gurlie!

Hannah – (hán ná) aka Hopeless Romantic. Ang taong gustung-gustong magka-lovelife pero laging palyado. Galanteng manliligaw, madaling kiligin. Konting pilit lang bibigay na agad. Pero pre, sobrang bait nito. Konting pabor lang pero engrande ang ibabalik sa’yo. Minsan, maraming beses nang muntikang magka-lovelife, pero ayun..ganun pa rin palyado. Siguro ang motto niya sa buhay, “Try and try until you die.” Very optmistic siya, good thing about her. Hindi mahirap i-please ‘to. A good friend indeed kaya nga swerte talaga ang kasunod ni PJ sa buhay niya.

Ivan – (î ván) aka The Brokenhearted Me. Believer ng word na FOREVER, eight years ago pero ngayon yata it seems that forever is just a word. Frequent kostumer ito ng tindahan pero lately, every weekend na siya napapadaan. Topping the chart ng adik sa love problem. Gusto niya lagi ng magulong crowd para hindi ma-obvious yung lungkot na nararamdaman niya. We still believe that she’s a strong person. She has changed a lot at alam namin na she’ll go through it soon enough.  But in contrary to what others think na she’s really babaero…the truth is, TOTOO talaga un. Totoong friendly lang siya kaya marami siyang girls. Kasi naman she’s really nice at cool kasama.

Katch – (ká tch) aka The Family Guy cum Social Worker. Devoted sa wifey niya at sa mga alagang pusa na sina Albert, Victoria at Shia.  Atapang atao pero takot siya sa kuryente at never mo mapapa-plug kahit na magmakaawa ka pa. Maraming alam ‘tong clips sa YouTube. At once na nakaharap na sa PS2 niya, kahit wifey niya eh talagang dedma sa kanya. Reminder nga pala sa mga nagbabalak mag-overnight sa bahay dahil nagsasagutan sila ng hilik ni Jun2. Pero lately naman, madalang na dahil may program na sila ngayon. Member/Co-Founder ng SANSUWI (‘SANg SUtsot UWI) at TIGAS (TIGASaing, TIGASampay…) Gang and as of this moment, parami na ng parami ang mga members nila. But in fairness to Papa Katch, sensible siya kausap. Entertainer, Masayang kasama at magaling din when it comes to matters of the heart.

Lolo – (lô lô) aka The Ghandung Mabait. Actually, si Lolo ang tipo ng taong makulit, alaskador, lakas-tama lalo na pag nakainom pero pag matino, wala kang makikitang trace ng ka-ghanduhan niya. Very religious ito totoo! at very reliable. Lately nga lang eh, madalang mapadaan sa tindahan ni Aling Baby at pag dumadating, saglit lang talaga parang yung concert ni Michael Jackson sa Pinas. With matching pagmamadali pa yan ah. Nakakamiss na nga si Lolo eh. Para siyang nagbalik-loob na sa kabutihan kaya siguro ayaw na tumambay sa tindahan.

Ron (rôn) aka Aling Baby/Tita Sha. Si Aling Baby.. original tambay ng bilibid 24.. dati attorney ‘to sa Manila. Nung nag-asawa nag-business na lang hehehe. Since attorney by heart, okay humingi ng advice sa taong ‘to. You can talk to her about anything, but much better to listen to her. Kase most of the time, masasabi mong “oo nga, tama nga c tita sha.” in fact, siya ang taong nakakatakot kausapin lalo na pag alam mong guilty ka sa isang bagay. Pero she’ll never get angry with you. She just wants her friends to learn and feel the most important factor in life… to live and be happy. Kase we all know she’s happy with what she has right now. Two things lang naman ang hindi magpapasaya sa kanya: First, ‘Pag delayed ang delivery ng ain jamal grocery and Second: ‘Pag may nkita siyang 8 pairs of slippers and mga damit (na parang may nagbalat na sawa) sa room niya… makakarinig ka na lang agad ng ganito.. ”MIIIINNNEEEE!!!! ANO NA NAMAN TO!!?????”