Kanin Krisis?!

Mayo 28, 2008

Maraming bali-balita mga ilang buwan na ang nakakaraan, ang pagiging endangered ng bigas sa buong mundo. Naalarma ang sangkatauhan sa walang kaabog-abog na pagtaas ng presyo ng bigas. Nasaan na ang mga magsasaka natin? Sa hirap ng buhay ng ating mga kababayan, pati ang ating mga magsasaka ay nangangarap na rin ng maginhawang buhay sa ibang bansa o makarating sa Meynila layuning maiunlad ang kanilang pamumuhay.

Ang hindi alam ng ating mga kababayan sa Pilipinas, hindi nagkakaiba ang buhay nila sa ating mga OFW. Kung ikukumpara natin ang presyo ng mga bilihin dito at sa Pinas, mas mataas pa rin ang presyo dito. Ang kaibahan nga lang ay…wala si Gloria Arroyo dito sa Dubai hehehe…

Nalulungkot ako para kay Super dahil alam ko higit kanino man na siya ang kauna-unahang maaapektuhan ng krisis na ito. Kahit pa hindi siya magsalita, nababasa ko sa kanyang mukha ang hirap at gutom.

Ang hindi ko alam, bukod kay Super meron pa palang ilan sa mga tambay ang tahimik na naninimdim sa krisis na ito. At kahit saan ko tingnan, wala akong makitang trace na hirap sila isyu na ito.

Kung titingnan natin ito, ilang buwan matapos ang balita at pagkunsumo ng mga tatlo hanggang limang ganito sa isang araw …ito na siya.

Paano pa kaya ito. O, akala nyo isa siyang biktima ng malnutrisyon na na-feature sa  Kapwa ko, Mahal ko noh? Hindi naman mashado. :)

Pero walang sinuman ang nakaawat sa kanya kahit na ang pagtaas pa ng halos sampung dirhamong presyo ng bigas. Kung nakakaapat hanggang lima’t kalahati siyang ganito  sa isang araw, siya na ang nakakaalam nun. Kaya heto siya.

Kung anuman ang mga plano nila sa buhay at kung meron pa silang balak na pagaanin ang mga dinadala nila, ipinauubaya na po namin sarili nilang disposisyon. :)

Mananatili kaming nakamasid at nakaabat sa patuloy na pag bigat ng kanilang mga timbang.

:D


Masarap Sa Pandinig

Mayo 26, 2008

 

Lagi kong naririnig itong kanta na ‘to sa bagong tambay namin. Alam nyo naman pag unang beses pa lang na marinig ang isang kanta, parang hindi mo pa gusto, pero lately napagtanto ko na maganda pala talaga siya. Magandang-maganda nga talaga. Mula sa lyrics hanggang sa mismong kanta.

Sana magandahan din kayo….


Ilang Taon Na Kayo Ng Friend Mo?

Mayo 25, 2008

 

Nakilala ko siya nung kasagsagan ng piko, patintero, touching robber, touch taya, kalog, teks, luksong baka, Chinese, monkey-monkey, Little Miss Philippines, Barbie …in short, mga uhugin pa kami nun. Grabe, dalawang dekada na pala kaming naglolokohan nito hehehe..:D Sabay kami lumaki, pero siya lang ang tumangkad. Sa sobrang gusto namin na maging magkamag-anak, dahil yon na lang halos ang kulang…nung naging mag-asawa ang Tito niya at Ate ko, naging opisyal na mag-pinsan kami by heart.  Klik na klik ang tandem namin, magkasabwat kami sa mga kalokohan, joined force sa pang-aasar at lakaran. (20 years)

Nagmeet kami sa room ng V-Carnelian. Isang tahimik na mag-aaral na pagtanda pala magiging…isang mabuti at mahinhin na dalagang Pilipina….not! :D 17years na kaming magkakilala nito at magkasama pa ngayon sa Dubai. Naaalala ko pa, bnigyan niya ako dati ng cassette tape(o, diba tape pa!) ng Eraserheads Ultraelectromagneticpop. Ang hilig namin dati, music. Fanatic ng LS 97.1 puro alternative tapos tambay ng Harisson Plaza at Jollibee Evangelista. Pati sa UNI ballpen,na-addict kami nito. Nagkahiwalay lang nung natuto siyang ma-inlove. :D Pero after almost 4 o 5 years na itinago siya, ayon at nagkita kami ulit. Marami na nangyari sa halos apat na taon nagkasama kami. Ilang beses na rin na-test ang solid friendship namin. Gaya nga ng sabi ko sa kanya na, “Iiwanan ka nilang lahat, pero ako…hindi kita iiwanan pre.” Walang nagbago, ganun pa rin yon. :) (17 years)

Ito ang SuperEverExtraOrdinary Friend ko. Nung natuto na akong maglagalag, nagkakilala kami dahil sa mga kwentuhang pa-tweetums. Shempre naman, mga dalagita days pa yon. Nagkakasundo kami sa music, novels, sulatan. Napaka-creative niya. Hanga ako sa mga artistic talent niya kahit na lefty siya. Sa kanya kami nakakapulot ng mga expressions na nahahawa lahat pag naririnig. Ang galing magkwento ng re-enactment, talagang parang nandun ka. Masaya, kwelang kasama at paniguradong hindi ka uuwi ng hindi ka masaya. At kahit na nagbagong buhay na siya ngayon, alam namin ni Pao na mananatili ang kulay berdeng dugo niya kahit mag-polo na white at neck tie pa siya forever. Peace Rye! (15 years)

Nung nasa piling pa siya ng iba, friends na kami. Hindi pa namin alam na we’ll end up together. (*kilig!) Kaya kami naging close? Kasi, gustung-gusto ko matuto mag-gitara. Nung nalaman niya from our common friends na meron akong guitar, ayon at madalas akong puntahan sa bahay para hiramin. Marami din siyang naituro sa’kin. Eh napaka-reklamador ko pa naman turuan hehehe. Yung song ng Iaxxe na “Ako’y sa’yo, Ika’y sa’kin” ang una niyang itinuro. Pero madalang lang kami dati magkita kasi lagi siya may band practice at sports minded. Kaya bumili na lang ako ng songhits para tapusin yung song hehehe… After a year pala magiging kami na. (11 years)

Ang aking Abel Girlfriends na sina Len, Kricel at Tamin. Ang nagturo sakin maging mabait nung college days. Kaya siguro maaga ako nagsawa sa pag-inom at gimik dahil sinabay-sabay ko ang pag-aaral at ang mga ‘yon. Ang hirap pero natapos ko naman. Those were the days ng kakikayan kaya hindi ko makakalimutan ang mga gurlies ko. (8 years)

5 years and below

Nakilala ko ‘to nung sila pa ni @#%*. Mabait pa siya nun hehehe….kasi hindi makapalag. Nakasama namin ni Len sila ni Miss Pink of 2003 (si vj purple) sa aming OJT sa Land Bank, habang nagpipintura ng mga papeles sa Purchasing Dept. Hindi ko makakalimutan ung “pangkurot”, “palaman” at ang makabuluhang “Certified Xerox Copy ni Vanene.” Panalo! Ang pagtamabay namin sa Tapsi de Manila habang nagsa-sounds katabi ng shop ni Burner Boy JN. Tapos, ang pagpatay oras sa Times. Nakakamiss lang.

 

Maniniwala ba kayo na pinakilala sakin ni Len ‘to sa Library?! Kahit ako, hindi rin makapaniwala eh. Chick at away magnet sa Abel hehehe…pero bago kami maka-graduate, hindi ko na’to napagkikita kasi busy sa lovelife. At after college days, dito pa kami sa Dubai magkikita ulit. Ang laki ng pinagbago, naging mas pasaway at bratty pero mabait at sweet friend samin nina Papa Katch at Maynsky.

 

Eto ang pinaka-favorite ko sa mga friends ko. (Pasintabi sa kanilang lahat.) Kasi naman, da best itong tunay at pasensyoso kong kaibigan. Nagkikita na kami sa ibang mga gimik nina Mayn sa PInas, yung huling nakasama ako na sana naaalala pa niya…eh yung birthday nila ni Marisse nung 2006 sa isang bar sa Makati. Tapos yung sunud nun, sa MOA nung binigay niya sakin ang padala ng mum ni Mayn. Alam nyo ba na hindi pa kami ganun ka-close nung nasa eroplano kami?! At sabi ko nga sa kanya, hindi man lang niya binitbit yung ibang bag ko kahit na halos makuba na ko sa pagbuhat eh gayong ang laki-laki niya diba? Pero okay na rin. Iilan lang naman makikilala nating mga true friends eh at isa na siya dun.

 

Ito naman, dati naiilang ako kasi mukha siyang santo. Parang ambait-bait pero mali pala ang akala ko. Isa pala siyang napakaga…an kasama, nakakatawa, sobrang maloko at mapang-asar. Pero minsan naman, pag kailangan mo ng matinong kausap…chika na ‘to hehehe..pwedeng-pwede talaga. Totoong-totoo, walang peyk sa kanya pwede lang ang kabaitan :D

 

Eto talaga, kahit na bagong kilala.mararamdaman mong welcome ka. At ang tiwala niya sa kaibigan, talagang hindi mo maaawat. Dito ko na siya nakilala sa Dubai pero parang ang tagal na naming magkabarkada. Ang gaan kasama, kaya nga siguro naging sila ng isa sa aking abel gurlie. Hindi mo mararamdaman sa kanya na ma-awkward sa presence niya baka nga siya makaramdam nun eh. Mabait talaga ‘to, magugulatin lang pag minsan, parang Papsie niya. Biruin mo ba namang sumama na samin para lang makaligtas na sa mga ibang lahi sa room nila hehehe…miss na nga namin ‘to eh. Umuwi ka na pre!

Eh kayo ng friends mo? Ilang taon na ba kayong magkakakilala?


Sakit Sa Bangs

Mayo 25, 2008

Sa wakas, nakapagpagupit na rin. Matagal-tagal na rin nung huling gupit ko.

Back to “sakit sa bangs”,

Ayos ba? Parang pareho lang sa Avatar ko hehehe. :D

Magaling ang gumupit nito, shempre love your own >>Pinoy pa rin. Dinayo pa namin sila sa Mamzar Centre kahit na malayo, it’s worth it naman eh. Nagmukhang tao na naman after 8 months hehehe…


Ano’ng Meron???!!

Mayo 23, 2008

 

Nagkaron ng malaking event sa tindahan namin kagabi. One week in the making yon.

Ang Salarin >> Si TIFF!!

 

Pinagplanuhang maigi. Dinamay ang lahat ng tambay.

 

Hindi kami nakapalag, walang umangal dahil wala naman talagang aangal hehe… (Kahit na ayaw maniwala ni Harry, may silbi naman kami sa event na yon.)

 

Kahit kami nagulat sa naging kalabasan ng aming tindahan.

Ang ganda, iba talaga ang Labor of Love (naks!)

 

Teka, ano bang meron??!

 

Ahhh….okay!

 

Sa dami ng nag-birthday dito sa Tindahan, ngayon lang nagkaron ng debut.

 

Gusto nio ba malaman kung gaano siya kasaya? Eto….

Happy Birthday Pre!

Pati mga tambay nag-enjoy talaga.

Ang ganda naman ng gift Niya sa’yo, kitang-kita sa mga smile mo. We’re happy for you.

 

Pero, aabangan pa rin namin yung meron next Thursday! Hehehe…