Mall tour
Posted in Mga Tambay with tags alay lakad, grocery trip, kagamitan sa palingkuran, mall trip on July 4, 2008 by Aling BabySumama ako sa pagpunta sa pinaka-sushal na mall sa Hor Al Lanz, ang Century Mall
. Kahit na halos 40 degrees ang init kanina, tinugis namin ang kahabaan ng haywey (walking distance kasi eh)para marating ang nasabing mall dahil sa pinakamalupit na dahilan: Lalagyan na ng hawla yung kama ni Kwirkyboi(ang ganda talaga ng bansag na’to, naaliw ako gamitin hehehe…)Pagkatapos ng alay-lakad na naganap, tagaktak na pawis, muntikang matutong na balat at nakakainit-ulong tindi ng init….sa wakas, narating na namin ang mall. Ang sarap ng pakiramdam makarating sa finish line! Ang lamiiig sa loob hehe, may gamut naman sa pulmonia eh. Habang tumatagal, kung anu-anung ini-implement nilang rule dito pati sa mga supermarket, kailangan nang magbayad ng 1dirham para makakuha ng isang cart. Uber talaga. Gagastos ka na sa pamimili, babayaran mo pa pati yung cart na hinding-hindi kailanman mapapasaiyo haha! Hmmpft! Hala, nag-basket na lang kami kasi yon libre.
Pasyal-pasyal.
Tingin-tingin.
Testing-testing.
Uyyy, may free taste..tara!! Ampf, pati yung tsokoleyt, tinalo na. Kunwari nahihiya pa ng konti pero naman isa-isa nang pumila para maki-free taste at gustu pa bumalik ah. Pagkatapos namin mangilan-ngilang kabayan ang nakipila hehe…iba talaga ang Pinoy.
Mas marami pang daldalan kesa sa pamimili ang ginawa namin, kasi naman nga pang-hawla lang ang dinayo namin dun. Hindi pa iskedyul ng grocery kaya ewan ko ba kung anung ginagawa namin dun.
Commercial muna:
As requested, eto nga pala ang naganap na gimik kagabi.
Umakyat na kami, madalian na ‘to dahil may pasok pa si Pao. Napapansin namin na palamig lang ang ginawa namin dun eh. Sa gitna ng pamamasyal at pag-iikot, may hindi nakaligtas sa aking paningin. Namangha ako sa tindi ng pag-suck nitong kagamitan nito na madalas ikahiya ng mga kabayan natin na bilhin. Madalas itong binibili ng patago o kaya naman ay sa palengke na lang binibili para konti lang ang makakakita. Pero ako, buong tapang ko itong hinawakan at buong pagmamalaking ipapakita sa inyo at ginagarantiyang hihigupin nito ng buung-buo kung anuman ang binara ng huling gumamit ng palingkuran ninyo dahil makailang ulit ko itong sinubukan. Ibang klase talaga. Eto..
Hindi namin siya binili. Wala naman sa amin ang mangangailangan nito at kung magkaron man ng pagkakataon, alam ko, magkikita rin ulit kami hehehe..
Nang mabili na lahat, umuwi na rin at sinuwerteng may makitang car lift (ito ang tawag sa mga pribadong sasakyan na nagfi-feeling maging taxi ang mga sasakyan nila. Pero mahipit na ipinagbabawal ang ganito dito.) Eh sa hirap kumuha ng sasakyan, pinapatos na namin ang mga ganito. Kilalang-kilala ni Katch (Boi Car lift) ang me-ari na bastos ang bibig. (Lahing indyano pero magaling magtagalog at pawang bastos na salita ang mga alam nito.) Pero okay lang, hindi na namin kinailangan pagdaanan ang masukal na daan pabalik ng bahay namin.
Sa wakas, buo na ang hawla ni Puma Kwirkyboi. Hindi na siya lalamigin, hindi na namin makikita na tulo-laway exposed siya at magiging invisible na rin sa wakas hehehe…






































